Philippine Standard time

Gibâ-Tayô: Kasaysayan ng Buhay ng Maralitang Tagalungsod ng ASAMBA


Iba-iba ang naging karanasan ng mga kasapi ng Alyansa ng mga Samahan sa Sitio Mendez, Baesa Homeowners Association (ASAMBA) makaraan ang ilang taon. Sa paghahanap ng mas magandang buhay, tumaya sila sa buhay sa Kamaynilaan. Iba’t ibang pinanggalingan, iba’t ibang pangarap, iba’t ibang landas; ngunit, sa isang yugto ng panahon ay nagtagpo ang lahat ng kanilang mga landas nang tumira sila sa Sitio Mendez, Baesa, Quezon City. Mula 1993 hanggang 15 Agosto 1997, matagalang nakibaka ang ASAMBA at nakipagtunggali sa mga may-kapangyarihan para itaguyod ang kanilang karapatan sa disenteng pabahay at sapat na kabuhayan.


Citations

This publication has been cited time(s).