Philippine Standard time

PAGBUO NG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO BATAY SA PAGSUSURING PANGALANG PAMBARYO SA LUNGSOD NG BATANGAS


Ang patuloy na pagsasaliksik sa pinagmulan ng isang bagay ay patunay lamang ng isang maunlad na literatura at kultura na malaking bahagi ng buhay ng mga Pilipino. Ang mga kuwentong nakalap sa pananaliksik ay magsisilbing batayan ng pag-aaral sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon. Isang mahalagang bahagi ay patungkol sa pinagmulan ng mga baryo na nasasakop ng Lungsod ng Batangas. Ang mga datos na nakuha sa pagtatanong o panayam mula sa mga lihitimong mga taga-baryo ay ginamit ng mga mananaliksik sa pagbuo ng isang gamit pampagtuturo na maaring gawing batayan ng pagtuturo ng aralin sa Filipino at Araling Panlipunan. Ang iba pang mahahalagang datos na nakalap ay karagdagang batayan sa pagbuo ng pananaliksik na ito. Ayon sa resulta ng pananaliksik, iba-iba ang pinagmulan ng mga katawagan ng mga baryo. Ang mga ito ay pinangkat ayon sa uri. Ang mga katangian ng mga taga-baryo ay nakatulong nang malaki sa pagbuo ng pananaliksik. Nagbigaylinaw rin ang mga kuwento ng iba pang nakasalamuha ng mga mananaliksik habang isinasagawa ang panayam. Ang kagamitang pampagtuturo na siyang resulta ng pananaliksik na ito ay maganda ring batayan sa pagtuturo ng panitikan sa asignaturang Filipino at iba pang kaugnay na asignatura. Inaasahan din ang magiging ambag nito sa kulturang Pilipino at sa patuloy nitong pag-unlad.
 

Citations

This publication has been cited time(s).



Related Publications