Philippine Standard time

Anim na taon ng Rice Liberalization Law: Lumulubhang krisis sa bigas


Sa panahong itinulak ito ng mga ekonomista, mambabatas, at malalaking negosyo, pinangalandakan nilang magmumura ang bigas at uunlad ang lokal na industriya ng bigas dahil sa Rice Liberalization Law (RLL). 

Pero pawang kabaligtaran ang nangyari. Naging mas malubha pa ang krisis sa bigas mula nang ipatupad ang RLL kahit kumpara sa dati nang binansot at pinabayaan nitong kalagayan. Taliwas sa islogang “masagang ani at mataas na kita” ng Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng nagdaang rehimeng Duterte, nanatiling matamlay ang ani at naging mas mababa pa ang kita ng magsasaka ng palay. Gayundin, sa halip na tumungo sa “masaganang agrikultura at maunlad na ekonomiya,” na mas abstraktong islogan ng DA sa ilalim ngayon ng rehimeng Marcos Jr., ang lokal na industriya ng bigas at kabuuang agrikulturang Pilipino ay lalong nalulugmok sa krisis at ang kabuuang ekonomya ay lalong nababansot.



Related Publications

Department of Justice FY 2027

CPBRD
ABN2026-04
2026
2 Downloads

Commission on Human Rights FY 2027

CPBRD
ABN2026-20
2026
1 Downloads